Thursday, November 24, 2011

 

Abuso na mga Tricycle Driver sa San Pablo City!

Di ko na gaanong na-uupdate itong blog na ito, pero gusto kong mag update ngayon kasi banas na banas na ako. Sobrang abuso na ang mga tricycle driver dito sa San Pablo. Nagtataas sila ng singil ng basta basta ng walang dahilan. Hindi lang yun, tila parang nagusap usap sila at sabay sabay sila nag taas.

Dati rati singil mula Jollibee Plaza papuntang lugar ng CM Azcarate Elementary School ay 20 pesos, ngayon biglang 25 na. Dati mula SPC Medical papuntang CM Azcarate 40 pesos (actually sa kabilang kalye pagkalampas ng 7-11 30 pesos lang), ngayon biglang 50 pesos na! Kahit sa kabilang kalye 50 pesos na rin!

Anak ng pucha naman... ano ba tingin nyo sa amin MAYAMAN? Kung mayaman kami edi sana NAGKOTSE na kami. Masyado na kayong ABUSO. OO. ABUSO. MANIGAS KAYO at ang singil ninyo, hindi na ako sasakay sa inyo. Magje-jeep na lang ako.

Sana lahat ng mga taga San Pablo na sumasakay ng public transpo ay iwasan na ring sumakay ng tricycle, pwera na lang kung suki nyo na at hindi kay inaabuso. Kung kaya nyo maglakad edi maglakad na lang kayo. Exercise pa yan.

Kelangan maturuan ng leksyon ang mga lintek na ganid na yan.

Saan ba pwedeng magreklamo? Magrereklamo talaga ako. Kung dati pinapalampas ko lang mga bagay na ganito, ngayon hindi na. SOBRA NA SILA. Kelangan may magsalita na. Kundi uulit ulitin lang nila yan.

UPDATE.

SHIT! Bad trip pala kung magrereklamo ka officially. Paghaharapin daw kayo ng tricycle driver. Ano sila, BALIW? Edi nakilala ako ng tricycle driver. At since hinatid ako sa bahay, ALAM NILA KUNG SAAN AKO NAKATIRA. E kung balikan ako ng mga gago na yan? Hindi ba naiisip ng mga opisyal yan? At saka hindi lang naman isa yang tricycle driver na umaabuso. MARAMI SILA. E kung lahat sila balikan ako? Bwisit. BWISIT TALAGA!!

This page is powered by Blogger. Isn't yours?