Monday, September 07, 2009

 

Grocery sa Ultimart

Nag grocery ako sa Ultimart kahapon. Parang na depress ata ako. Kasi konti na lang ang taong bumibili, parang madilim, isang hilerang freezer ang walang laman, wala ring laman yung fresh meat, parang amoy luma... parang nakakalungkot.

Parang nung isang taon lang siksikan ang tao dito at ang hahaba ng pila. Nagrereklamo pa ang ibang tao na konti lang ang cashier na bukas. And to think na Linggo kahapon. Usually maraming tao ang namimili dito pag linggo. Kahapon, parang mga lima lang kami doon.

Asan ang mga tao? Andun sa PUREGOLD.

Tama ang kutob ko na tatamaan ang ilang business sa bayan ng dahil sa Puregold. At ang isa sa mga kutob kong maaapektuhan ay Ultimart. Sayang din kasi OK para sa akin mag grocery dun. Marami rin kasi silang mga sosyal na bilihin doon na gusto kong bilhin pag may konting pera ako.

Tulad ng Salmon. Wala sa Puregold nyan. Tulad ng Nestle Milk Chocolate Hot Cocoa Mix. Wala sa Puregold nyan. Yung ilang mga imported na bagay tulad ng Muesli, mga de lata... wala sa Puregold nyan.

Tama ang ginagawa ng Ultimart na mag renovate sila. Yun din ang naisip ko noon bilang isa sa mga pwede nilang gawin para tapatan ang Puregold. Pero sana meron silang regular maintenance. At dapat maliwanang. Yang mga simpleng bagay na ganyan ang hanap ng tao e. Malinis. Maliwanag. Malinis ang CR at well maintained.

Pano na pag nagka SM na? Balita ko magkaka SM sa Riverina next year. Lalo nang malilintikan ang Ultimart... pati na rin Puregold.

Ito, may bidjo ako ng pamimili ko sa ULTIMART noong 2006.


This page is powered by Blogger. Isn't yours?